By: Mike
Bente anyos ako noon, batang bata at fresh from the province. Kakatapos ko lang
mag training bilang management trainee ng isang food chain. Sa di inaasahang
pagkakataon ay na destino ako sa TM Kalaw branch. Luma na ang store ko at wala
masyadong tao kaya naman nakakapag relax relax kami palagi at nabibigayan namin
ng panahon ang customer service aspect ng pagpapalakad ng negosyo. Nahasa ako sa
customer service dahil nagtrabaho din naman ako bilang service crew noon sa
ibang mga food chain kaya hindi nakakapagtaka kung madali akong makakakita ng
mga kaibigan. Sinuwerte rin ako sa mga unang mga buwan ko ay sa opening shift
ako na schedule.
"Excuse me, are you the manager?" tinawag ako
ng customer.
"Yes, may I help you?"
"I don't like the consistency of your gravy"
ang pataray na salaysay ng customer.
"I'm sorry about the gravy, Sir, but don't
worry, we will replace it right away"
Kaagad namang kinuha ng dining crew ko ang
gravy at pinalitan kaagad.
"Thanks" ang matipid na sagot ng customer namin
pagkatapos na mapalitan ang kanyang gravy.