By: Jerome
Naniniwala ba kayo sa
tadhana? Naniniwala ba kayo na pagkakasala ang pagmamahalan ng dalawang lalaki
o dalawang babae? Kung ang pagibig ay para lamang sa isang lalaki at isang
babae, bakit may may mga taong pareho ang kasarian na tila nakatadhana sa isa’t
isa? Ito po ang kwento naming ng bestfriend ko.
2005. Yan ang unang taon
ko sa kolehiyo. Kabado, takot, excited. Iyan ang nararamdaman ng halos lahat
tuwing unang araw sa kolehiyo. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan eh lahat
ng nakapaligid sayo ay bago.
Ako nga pala si Jerome,
pero Rom/Rome ang tawag nila sakin. 16 years old pa lang nung mga panahon na
yan. Black hair, brown eyes, light skin, may eye glasses at chubby. Yeap! hindi
ako yung hot na guy na lagi niyo nalang nababasa. Walang abs, walang muscles,
wala ring hilig sa sports. Pero hindi naman ako obese or overweight. Chubby
lang, as in may baby fats pero kung tatanungin naman sila, eh normal lang yung
size para sa age and height ko. Straight ako... dati. Ngayon? ewan ko.
lecheng pagibig yan. (joke lang)
Nang marating ko na ang
classroom na nakalagay sa registration form ko ay huminto muna ako sa may pinto
at dinouble check kung tama. "room D321"
mahina
kong bulong sa aking sarili. Pumasok na ako at napansin na konti na lang ang
bakanteng upuan, at halos ng mga iyon ay nasa harap. Tahimik ang block nang
tumingin sila sakin habang pumasok ako sa classroom. Ang awkward kaya
umupo nalang ako sa may harap, medyo gilid kasi pag sa gitna, baka lagi akong
mautusan ng mga teacher. ganoon kasi samin nung high school. After 15 minutes,
may group of students na pumasok sa room namin.
"Good morning guys!
Welcome to our college. I'm your ate Shelly btw, and I'm the president of
our organization. With me are the officers who will be leading our
organization this academic year" sabi ni ate Shelly in a conyo way.
Sinimulan ng magpakilala
ng officers sa harap namin at nagsabi na kung may mga tanong o kailangan kami
ay sakanila lang lumapit at wag daw mahihiya.
"okay guys para
magkakilala na kayo ay isa isa kayong tatayo at magpapakilala" Sabi ni
kuya Jun, vice president. "kanino tayo magsisimula?" dagdag pa niya.
Tumingin ako sa likod at
halos lahat sila dito sa harap nakatingin, hindi. hindi lang sa harap. sakin
sila nakatingin.
"sa likod nalang
po" sabi ko sa vice president kasi malapit lang siya sakin.
"sige sa likod
na-" hindi natapos ang sinasabi ni Kuya Jun kasi biglang may pumasok na
lalaki. Blockmate din yata namin? Pawis na pawis at ang daming dala parang
galing ng outing.
"sorry I'm late,
late po nagising" sabi nung lalaking kadarating lang
"very well then,
sayo nalang tayo magsisimula" sabi ni kuya Jun.
"po? ano pong
gagawin?" sabi niya habang hingal na nilalagay yung mga gamit niya sa
upuan katabi sakin.
"magpapakilala ka
lang"
"Ah" sabay
harap sa klase "Morning guys, I'm Harvey. From Sta. Rosa, Laguna. 17 years
old and.. single" sabi niya ng nakangiti sabay upo.
Nagtawanan naman ang
klase.
"Oh ikaw na
next" sabi sakin ni kuya Jun.
Tumayo na ako at
nagsimulang magsalita "Hi my name is Jerome, just call me Rom. i'm 16
years old from South MNL." ngumiti lang ako at umupo na.
pagupo ko kinalabit ako
ni Harvey "bro, kanina pa kayo dito?"
"Medyo, pero wala ka
namang imporatante na na-miss" sabi ko
"Ah ok. thanks
bro"
tumango lang ako at
ngumiti at tinuon ang pansin ko sa nagpapakilala.
Ang daming magaganda sa
klase namin. si Jane, Tin, Marga. pero ang pinaka maganda para sakin, si
Melanie. Naging instant crush ko agad siya, hindi lang maganda, maayos pa
manamit, laging nakangiti at maganda ang boses.
"Hi I'm Melanie, 16
years old from South Manila" sainabi yung 'south manila' na nakatingin
sakin at nakangiti. Nginitian ko nalang rin pero ayoko mag assume. kaya humarap
nalang ako ulit sa may board.
"Yieee. first day na
first day may chicks ka na ah" pang aasar sakin ni Harvey.
Loko din to no, feeling
close? haha. "Hindi ah" natatawa kong sagot sakanya.
Maayos naman ang naging
first day ko. nang matapos na ang last subject ay nauna na akong lumabas at
dumertso sa dorm na tinutuluyan ko. Pagdating ko sa dorm ay magisa pa rin ako
na pinagtaka ko kasi ang dorm na yun ay para sa dalwang tao at hanggang ngayon,
wala pa rin yung kadorm ko.
Mga after 10 minutes, may
kumatok. Andiyan na yata siya. sana lang eh matino at malinis rin kagaya ko.
Kumatok ulit. "Hello
po?" sabi niya.
wait lang, parang kilala
ko yung boses.
binuksan ko ang pinto at
tama nga ako. "Uy.” Sabi ko habang inaalala ang pangalan niya.
“Ahh…Harvey, tama ba?"
"yup. Ah, Jerome
right? dito dorm mo?”
" Oo eh. wag mo
sabihin dito ka rin?"
"Bakit ayaw
mo?" sabay tawa siya
"Di naman.
nakakagulat lang. Pasok ka"
Kaya pala ang dami niyang
dalang gamit kanina, galing pa siya sa kanila sa Sta. Rosa.
"bakit di ka pa
kahapon dito?" tanong ko sakanya
"birthday kasi ng
kapatid ko kahapon, kaya ngayon lang ako nakapunta"
"Ahh.kaya pala.
belated sa kapatid mo"
natawa siya at sumagot ng
"salamat"
Dito ko napansin na may
hitsura din pala itong is Harvey. Medyo maputi rin siya, mid-light brown eyes,
matangos ang ilong at rose-red lips. Mas matangkad siya sakin ng mga 1 inch.
Maganda din ang katawan niya kasi may konting muscles pero nung panahong
yun, wala pa akong paki. basta medyo gwapo siya kagaya ko (haha), yun lang ang
pinansin ko.
"parang hinahanap ka
ni Melanie kanina ah" bigla niyang sabi habang nagaayos ng gamit
"weh?" natutuwa
kong tanong
"biro lang.
Hehe"
"loko to!"
naiinis kong sabi.
"excited mo kasi
umuwi"
nginitian ko nalang.
Marami siguro 'tong kaibigan kasi ang galing makipagusap. Yung mangiinis,
pero hindi ka maiinis instead, matutuwa ka pa. Parang the moment na magkakilala
kayo, close na kayo agad. Maswerte naman pala ako na siya ang nakadorm ko,
mukhang matino at kung pag oobserbahan ang kaniyang pagaayos ng gamit, malinis
rin sa paligid at hindi siya boring kasama.
Dito na nagsimula ang
maganda naming samahan. Palagi kami magkasama sa lahat ng klase, tuwing break
time sa tambayan, sa mga gala kasama ang iba naming mga kaibigan at syempre
tuwing paalis at pabalik sa dorm. Palagi din kaming magkagrupo o partner sa lahat
ng project, minor case study at lagi din kami nagtutulungan pagdating sa mga
homeworks namin. Bestfriends kumbaga. Habang tumatagal, mas lalo kaming
nagkakilala dahil mas napapadalas ang kwentuhan namin. Dito ko nalaman na
nagkaroon na siya ng dalawang girlfriend noong high school. Nung sinabi niya
yun, tinawanan ko siya at nagyabang na talo ko siya dahil ako nakakatatlo
na. Totoo yun, pero isa lang dun ang seryoso. Sinagot niya naman ako ng
"eh kasi pag ako nagmahal, sobra sobra. Kaya pag nasaktan, sobra sobra
din".
"drama mo bro"
natatawa kong sagot sakanya.
Ang bilis ng oras.
malapit na ang Finals at malapit na matapos ang first sem. Dagsaan na ang mga
projects at requirements kaya laging kulang ang tulog namin. Nang masubmit
namin ang last project and requirement, nakahinga din kami ng maluwag dahil isa
nalang ang aalalahanin namin: FINALS pagkatapos nito, sem break na.
Nung weekend before
finals, pareho kaming nagstay sa dorm para makapag aral (every weekend kasi
umuuwi kami samin) Napansin ko na hirap si Harvey sa Advance Algebra and
Chemistry kaya nag offer ako ng tulong.
"Harvz, mukhang
nahihirapan ka ah. Turuan kita gusto mo?"
"Sige Rom, ang hirap
ng chem. leche naman kasi hindi naman natin yan kailangan sa course
natin."
"Hahaha! ganyan
talaga" natatawa kong sagot "ganto lang yan oh..."
Tinuruan ko siya ng
technique para mas madali niyang ma name yung mga chemical compounds and
acids pati na rin sa algebra sinabihan ko siya na dapat marunong siyang
gumawa ng equation, pag may equation na siya, masosolve niya yung mga word
problems. Binigyan ko siya ng sample problems at sinabi kong isolve niya muna
para macheck ko mamaya at magaaral lang ako sa ibang subject.
"Rom tingnan mo nga
kung tama yung mga sagot ko"
lumapit ako at tiningan
yung mga sagot niya. tama naman halos lahat except yung sa last. Nakaupo siya
sa may study table at ako naman ay sa likod niya nakayuko habang tinitingnan
yung mga sagot niya, bali yung dibdib ko nakadikit sa may right shoulder niya.
Nakita ko kung saan siya nagkamali, kinnuha ko yung ballpen at yumuko pa pababa
para mas mapalapit sa papel niya.
"mali ka dito, dapat
yung equation mo naka equate sa zero para pwede mo matranspose yung mga like
terms..."
Habang nageexplain ako,
tango lang siya ng tango at tumitingin sakin.
"gets mo?"
tanong ko pagkatapos magexplain.
Hindi siya sumagot so
tumingin ako sa kanya tapos *boom! nakatingin din siya sakin pero dahil sa
pwesto ko, sobrang magkalapit yung mga mukha namin. 2 inches nalang yata yung
difference. doon ko nakita ng sobrang malapitan yung mga mata niya. Ang ganda
pala pag mid light brown eyes. Halos 3 seconds din kami nagkakatitigan. Ang
lalim ng hinga ko.. tapos bigla siya nagsalita
"gwapo mo pala"
natawa ako, "matagal
na" sabay tayo tapos binatukan ko siya sa ulo. "loko ka talaga.
magaral ka na nga diyan"
"Haha! thanks bro.
nagets ko na" habang nakatingin sakin at nakangiti.
Bago ako matulog, inisip
ko yung nangyari kanina. Bakit ganoon parang may iba? hindi lang ako basta
nagandahan sa mga mata niya. Parang may kakaiba yung way na nagkatinginan kami
tapos bigla siyang magsasabi na ang gwapo ko pala. Tapos yung ngiti pa niya
nung nag thank you siya bakit parang may laman? psh. pagod lang siguro ako
kakaaral. itutulog ko nalang.
Dumating na ang finals
week. Natapos na rin yung mga exams namin sa mga minor subjects. Dalawa
nalang ang natitira; Chem at Advance Algeb. Ang masakit lang eh, sabay sila sa
isang araw. Pinagpalnuhan ata yun nga mga prof para mahirapan talaga kami.
Habang nageexam sa
Algebra, napangiti ako sa problem number three. Parehong pareho sa binigay ko
kay Harvey nung tinuruan ko siya, iba lang yung given.ito yung nagiisang
problem na hindi niya nasagot ng tama. Naalala ko rin yung ganda ng
kanyang mga mata, kung papano kami nagtitigan, yung boses niya nang sinabi
niyang "gwapo mo pala", pati yung ngiting binigay niya sakin matapos
kami magbiruan. Lahat yun naalala ko at parang nawala yung focus ko sa exam.
Tiningnan ko si Harvey, katabi ko lang siya kaya hindi ako nahirapan lumingon
at napansin kong nakangiti siya habang nagsasagot. Nasa same problem na rin
siguro siya, naisip ko.
Natapos na rin ang huling
exam at sa wakas, sem break na! Nagkayayaan maginuman sa bahay ni Ed, kablock
namin kaso hindi ako umiinom, malayo kasi ang pamilya namin sa mga bisyo kaya
hindi na ako sasama at uuwi nalang para makapag pahinga.
"sige na bro sama ka
na, kahit wag ka na lang uminom" Pilit ni Harvey
"Hindi na talaga,
babawi ako ng tulog. Mag enjoy nalang kayo" itinangi ko
"Fine. pero next
week ah, sabay tayong kukuha ng grades? wag mo ko uunahan"
"Opo"
"Thank you best
friend" tapos nakatingin at nakangiti siya sakin gaya nung gabing
tinuturuan ko siya
First time niya akong
tawagin 'best friend' tapos parang natutuwa ako kasi wala pa akong naging
kaibigan tulad ni Harvey. Ang swerte ko talaga sa kanya.
"ang drama mo!"
sagot ko sakanya at nagtawanan kami.
Magisa akong naglakad
papuntang dorm. Nakakalungkot. First time kong hindi kasabay si Harvey, walang
kakwentuhan, walang umaakbay sakin, wala ring nagpapangiti. ano ba yan, ang
drama ko naman. Pagdating ko sa dorm ay inayos ko agad yung mga gamit ko para
makauwi. Bago ako umalis, nagiwan ako ng note sa may kama ni Harvey. "wag
uuwi ng lasing. ingat lagi -Rom" natuwa lang ako sa ginawa ko at
pumunta ns sa station para makauwi. Nakita ko dun si Melanie nagiisa, naalala
ko na pareho nga pala kaming taga south. Tinabihan ko siya kahit hindi
kami masyadong close. crush ko kasi siya dati kaya hindi ko nalalapitan pero as
classmates, naguusap din naman kami paminsan minsan.
"Hi Melanie"
"Uy Rom! uwi ka na
rin? Hindi ka ba sasamama kila Ed, diba andun si Harvz?"
"Oo, andun si Harvz.
hindi ako umiinom eh kaya hindi na ako sumama"
"ang weird naman.
hindi ako sanay na makitang hindi kayo magkasama ni Harvz. haha"
"talaga?"
"oo, lagi kasi kayo
magkasama, papasok ng classroom, lalabas sa campus, tapos lagi pa kayong
nagtatawanan at nagkukulitan. daig niyo pa magbestfriends eh"
"Hahaha! hindi naman
Mel, ganun lang siguro kasi magkadorm din kami"
Ang haba ng naging usapan
namin ni Melanie, hanggang sa van nagkkwentuhan pa rin kami. Ang dami niyang
kwento tungkol sa mga ka block namin na hindi ko masyadong ka close. Yung
kakulitan nila sa likod ng classroom habang nag didiscuss yung pinaka boring na
prof, tapos yung mga kalokohan nila tuwing break time sa may cafeteria. Tawa
ako ng tawa sa mga kwento niya kahit tahimik sa loob ng van. Sayang lang kasi
nakarating na kami sa aming destination at nag kanya kanya na ng landas.
Lumipas ang unang linggo
ng sem break at hindi ko alam kung bakit pero, miss na miss ko na si Harvey.
Siguro kasi sobrang boring sa bahay. Laging walang magawa kundi manood,
magbasa, kain at tulog. Hindi ako sanay na wala siya, iba yung feeling:
walang maingay, walang magulo, wala yung bestfriend ko. Naging magkatext kami
ni Melanie ngayong sem break kaya medyo nawala din yun pagiging 'bored' ko.
Siya lagi yung naguumpisa ng topic, nangangamusta tapos ang bilis niya pa
magreply. Nakakatuwa lang at naisip ko kung bakit hindi kami naging magkaibigan
dati pa.
Katext ko si Mel one
saturday night, kaso pagod na ako. kaya tinext ko na siya ng "matutulog na
ako, tulog ka na rin. good night :)"
Nagreply siya "okay
po. sweet dreams :)"
Mga after 5 minutes, may
nagtext ulit. Ang kulit naman ni Mel sabi ko. (haha) pero pagbukas ko ng
message, Nagulat ako, si Harvey pala yung nagtext.
"bro, musta na? miss
mo na ako no" text ni Harvey at natawa lang ako
"loko ka. ikaw yata
ang miss ako. ikaw yung nagtext eh." reply ko sakanya
"haha oo nga miss na
kita. sabay tayo kuha ng grades sa monday ah"
Natuwa ako sa reply niya
specially dun sa 'oo nga miss na kita'. hindi lang ako nakakamiss sa kanya!
naisip ko
"sa tuesday nalang,
para wala masyadong tao"
"sige sige. thanks
bro good night"
Hindi na ako nagreply,
paubos na load ko, hindi pa kasi uso unli noon. Pero napangiti ako bago
makatulog.
Dumating ang tuesday at
magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kabado sa grades, at
excited kasi makikita ko na ulit bestfriend ko. pagdating ko sa school, nakita
ko agad si Harvey sa may gate.
"Ang aga mo ah"
sabi ko sakanya
"Syempre, excited na
ako makita ka eh" tapos nginitian niya ako.
"ang drama mo talaga
kahit kailan. haha"
Pumunta na kami sa kung
saan makukuha yung grades namin. Malapit na kami doon, nang bigla siyang
tumigil. Naglalakad pa ko pero bigla niyang hinawakan yung wrist ko.
"O anong nangyari
sayo?" tanong ko sakanya
"kinakabahan ako sa
chem. paano kung hindi ako pumasa?" kitang kita yung takot at lungkot sa
mga mata niya.
"Papasa ka Harvz,
maniwala ka lang" sabi ko sakanya with direct eye contact.
Sa ginawa ko, naniwala
ako na kahit papano nabawasan yung takot na nararamdaman niya. Tumango lang
siya at napangiti sakin, "tara" sabi niya na hawak pa rin yung wrist
ko.
Nakarating din kami sa
office ng dean namin at si Harv ang nauna sa pila. Yung grades namin
nakaprint sa isang paper at nakatupi itong ibinigay samin. Bubuksan ko na sana
yung akin ng biglang-
"Mamaya na. sabay
tayo. dun tayo sa may tambayan"
Pagkadating namin sa
tambayan tinanong ko siya "ready ka na?" tumango lang siya at
nagsimula akong magbilang "one..two..three" at sabay naming binuklat
ang papel na naglalaman ng grades namin. Tinitingnan ko isa isa ang bawat marka
na nakalagay sa papel ko. Pasado naman lahat, medyo matataas din, naisip ko
nang bigla akong yakapin ni Harvz. Nagulat ako, ang higpit ng yakap niya.
"Pasado ako ROM!
thank you talaga tinuruan mo ako. the best ka talaga!"sabi niya sakin na
nakayakap pa rin
tinapik ko naman ang
likod niya, na parang gusto ko rin yakapin "sabi sayo eh, maniwala ka
lang" dun na siya bumitaw sa akin. kitang kita ang tuwa sa mga mata niya.
"ikaw musta
grades?" tanong niya sakin
"okay lang naman.
congrats bro pasado ka."
"salamat" todo
ngiti si Harvz.
Pumunta kami sa malapit
na coffee shop, nagorder ako ng favorite ko, banofee pie. Pero isa lang, mahal
kasi eh. haha.
"tikman mo to,
favorite ko yan" sabi ko sakanya
Pinagsaluhan namin yun at
nagkwentuhan kami. Ito yung namiss ko talaga. yung sipag niya magkwento, laging
nagpapatawa tapos sabay mangiinis. Iba talaga yung feeling pag kasama ko si
Harvey, masaya ako. Ang tagal namin dun sa coffee shop, walang kamatayang
kwentuhan. yung tipong parang hindi kami nagkita ng isang taon. Dito bigla
niyang nakwento yung tungkol sa mga ex girlfriends niya. Nakwento niya kung
paano siya niloko at sinaktan nung una niyang girlfriend. Sa mga kwento niya,
totoo nga yung sinabi niya sakin dati, sobra sobra siya magmahal. Kaya nung
nalaman niya yung mga kagaguhan na ginawa sa kanya nung ex niya, halos tumigil
ang mundo niya, hindi nakapag aral ng maayos at lagi nalang umuuwi ng lasing.
Yung pangalawa niya naman daw ay bigla nalang nakipag break after 7 months kasi
hindi na niya mahal si Harvey. Naintindihan naman yun ni Harvz kaya hindi siya
kasing sakit nung una.
"Ang daya nga eh,
parang walang may kayang mag sukli ng pagmamahal kagaya sa binibigay ko"
tahimik niyang sabi matapos ang kwento niya then nginitian niya ako, siguro
kasi alam niyang 'ang drama mo talaga' ang masasabi ko
"bata ka pa noon,
wag ka kasi excited, darating din yan" sabi ko sakanya.
"bro, ano sa tingin
mo kung ligawan ko si Tin?" biglang sabi ni Harvz
hindi ko alam kung bakit
pero parang nalaglag yung puso ko. yung feeling na bigla ka nasaktan deep
inside. Hindi ako nakasagot agad, di ko kasi alam ang sasabihin.
"Rom? Jerome? okay
ka lang?" tinawag niya ako
"Ha? ah oo naman.
ang labo mo kasi, magddrama ka tungkol sa ex mo tapos biglang may liligawan ka
pala" palusot ko. "Bakit, mahal mo ba si Tin?" dagdag ko pa.
Dun niya sakin
nakwento na noong nagiinuman sila sa bahay ni Ed, umamin si Tin na crush niya
si Harvz. Simula noon, lagi na niyang iniisip si Tin at magkatext pa sila buong
linggo. Kung pwede ko lang sabihin na 'wag mo siyang ligawan' eh sinabi ko na.
Pero sino ba ako para sabihin yun? Bestfriends lang naman kami ah. Hindi ko
alam kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang
alam ko lang, mali at hindi 'to dapat pairalin.
Nagsimula na ang seconde
sem, magkadorm pa rin kami ni Harvz, syempre best friends pa din. Halos
kami kami pa rin ng block, except yung iba na may bagsak, irreg na. As usual,
sabay kami ni Harvz naglalakad papuntang school (first day ng second sem),
nakwento nga niya na nililigawan na niya si Tin. Ako naman kunwari masaya para
sa kanya, pero ang totoo, naiinis ako na may nililigawan siya. Pagdating namin
sa classroom, since bagong sem, bagong sitting arrangement. Tumabi si Harv kay
Tin na ikinalungkot ko. Tinawag naman ako ni Melanie at nagsenyas na bakante pa
yung upuang katabi niya kaya doon nalang ako naupo. Masaya naman doon sa likod,
maraming nga talagang kalokohan pero alam din naman nila kung kailan
magseseryoso. Masaya man sila kasama, iba pa rin yung feeling pag si
Harvey yung kakwentuhan at kakulitan ko. Iba na kasi ngayon si Tin na ang lagi
niyang kasama, kapartner sa mga projects, katulong sa mga homeworks.
Napapadalas din ang kanilang 'gala' daw eh silang dalawa lang naman.
Nagkakasabay na lang kami ni Harvey tuwing papunta sa school, minsan na lang
paguuwi kasi sinasamahan pa niya si Tin maghintay ng sundo, kaya lagi na niya
akong pinapauna. Ang dating maingay at magulong dorm namin, ngayon ay tahimik
at walang kabuhay buhay. Si Harvz kasi either laging nasa phone or may kachat.
Isang gabi magisa lang
ako sa dorm, nagrereview para sa quiz namin bukas. Wala pa rin si Harvz, kasama
pa rin siguro si Tin, naisip ko. Maya maya pa bumukas ang pinto. Dumating si
Harvey may ngiti hanggang tenga. Lumapit siya, tumabi sakin sa may kama tapos
bumulong siya:
"Rom, kami na ni
Tin"
Kahit na halata na sa mga
kilos nila dati pa na may something sila, iba pa rin yung sakit na kumirot sa
akin nung sinabi niyang official na sila.
"Halata naman
eh" mahina kong sinabi na may inis at sakit na nararamdaman.
"Ha? Ano yun?"
inayos ko ang tono ko at
sumagot na "Halata kaya sa mga kilos niyo. haha. congrats bro. masaya ako
para sainyo"
"hehe salamat"
sabi niya sabay tayo, pumunta sa CR.
'masaya ako para sainyo'
sinungaling ka Jerome. Yan ang naisip ko. Grabe, bakit ba ako nagkakaganito,
hindi lang ako hindi masaya para sa kanila, naiinis at parang nagseselos ang
nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Di naman pwedeng nagseselos ako
dahil may gusto ako kay Tin, imposible rin naman na may nararamdaman ako para
sa bestfriend ko. Pero parang yun nga. Alam kong hindi pwede, pero kasalanan ko
bang mahulog sakanya? Siguro natatakot lang ako na mawalan ng bestfriend, kaya
ganito ang nararamdaman ko. Yan ang pinilit ko sa sarili ko. Hindi na ako
makapag aral, iniligpit ko nalang ang gamit ko at natulog na.
Nangyari na nga yung
kinakatakutan ko. Unti unti na ng nawala sakin si Harvz. Nandiyan nalang siya
pag kailangan niya ng tulong. Palagi silang magkasama ni Tin, yung parang
silang dawala na lang yung natitirang tao sa mundo. Oo na, siguro nga
nagseselos ako. Siguro nga may feelings ako para sa bestfriend ko. Pero ang
sakit lang na kung kailan mo siya mas gustong makasama, doon pa siya nawala.
Mas tumibay ang relasyon
ko sa mga bago kong kaibigan. Sila na yung palagi kong kasama pagdating sa mga
group studies and stuff like that pero kahit minsan, never ko inattempt
magkwento tungkol sa sakit na nararamdaman ko about kay Harvey. Mas lalo din
kaming naging close ni Melanie so midway second sem, niligawan ko siya. Hindi
naman ako nahirapan kasi matagal na rin siyang may gusto sakin. Don't get me
wrong, pero hindi ko mahal si Mel. Parang kailangan ko lang ng girlfriend para
mawala yung feelings ko dun sa lokong yun or.. para pagselosin siya. Ewan ko ba
pero kung ang intention ko nga ay para pagselosin siya, mission failed ako kasi
nung sinabi ko sakanya yun nung nasa dorm kami ang response niya lang is
"nice bro! pareho na tayo may girlfriend! hahaha wait lang ah ka chat ko
kasi si Tin". Tapos tuwing magkasama kami ni Mel, lagi akong wala sa
sarili ko, in fact, naiinis lang kasi nakikita ko si Harvz and Tin na
naglalandian.
Before second year
starts, pinagplanuhan ko na lumipat ng dorm. Mas maganda sana yung ako lang
magisa para makafocus ako sa studies even more kasi last sem (second sem)
muntik na ako mawala sa Dean's List dahil sa mga hinayupak na
'distractions'. Hindi ko na sana sasabihin kay Harvey yung plan ko pero I think
sinabi yata sakanya nung may ari ng dorm so he talked to me (after a long
time).
"Bro, lilipat ka daw
ng dorm?" tanong niya na parang nalulungkot
"Oo eh, mas gusto ko
kasi mapagisa" sagot ko naman
"wag ka naman ganyan
sakin oh please" pagpipilit niya
After a lot of
explanations, hindi siya tumigil sa pagpipilit sakin. Ewan ko ba pero nagpatalo
ko, so I ended up still on the same dorm with Harvey. Siguro this time medyo
naka move on na ako. Medyo nawala na yung feelings ko para sakanya. And ang
akin lang, gusto kong mabalik yung samahan naming ni Harvey, yung samahan as
'bestfriends' kagaya nung 1st year, 1st sem.
-2 weeks before Midterms
namin, (2nd year na) -
As expected, hindi kami
nagtagal ni Melanie. Nasa tambayan kami noon after ng last class namin.
"Rom" sabi ni
Mel "Mag break na tayo"
Nagulat ako sa sinabi
niya "Huh? Bakit?"
"Wag na tayo
maglokohan Jerome. Alam ko naman never mo ako minahal." Nung sinabi niya
'to, napatingin na lang ako sa baba.
"Alam ko rin na
ginawa mo lang akong rebound, kasi nagseselos kay Tin"
tumingin lang ako sa
kanya na parang nagtataka.
"totoo naman
diba?" dito nagsimulang pumatak mga luha niya
"eh bakit mo pa ako
sinagot?"
"kasi akala ko kaya
kong baguhin yang nararamdaman mo. Akala ko kaya kitang gawing akin. First day
pa lang, crush na kita. Kaso lang hindi mo naman ako pinapansin noon. Kaya nung
nagkasabay tayo sa may station pauwi, kinuha ko yung opportunity para makaclose
ka" umiiyak si Mel habang nagpapaliwanag "Noong first day last sem,
nakita ko yung reaction mo nang tumabi si Harvz kay Tin, kaya inalis ko yung
bag na nasa tabi ko at tinawag kita. Gusto ka rin kasi maging kaibigan ng
barkada ko eh" sabi niyang umiiyak pero sinamahan niya ng 'fake laugh'
"noong nagpaalam ka sakin manligaw, naisip ko na baka gamitin mo lang ako
para makalimutan si Harvey" Dito nakatingin ako sa malayo at nagsisimula
na ring lumabo ang paningin ko dahil sa luha. "Doon ko naisip na baka kaya
kitang baguhin, ginawa ko lahat para mahalin mo rin ako. Pero ngayon alam ko
na, na hindi na mababago yung nararamdaman mo para sakin, para sa amin"
"I..I'm sorry. Pero
Mel, wala na yung feelings ko sakanya. kinalimutan ko na yun." yan na lang
ang nasabi ko habang naiiyak.
"wag mo na lokohin
sarili mo Jerome. Alam ko na nandiyan pa rin yang nararamdaman mo para sa
kanya. At hindi lang yun bilang matalik na magkaibigan kundi mas higit pa
doon."
"wag ka magaalala
Jerome, satin lang yang sikreto mo. At kahit na ganito ang kinahinatnan ng
relasyon natin, magkaibigan pa rin tayo at lagi pa rin akong nandito kung
kailangan mo ng kaibigan" Niyakap niya ako. Ito na siguro yung huling
yakap namin ni Melanie. Pareho kaming umiiyak. Bumitaw siya at nagsabing
"salamat Jerome, sa lahat" kinuha niya yung bag sa table, umalis at
naiwan akong nagiisa sa tambayan.
Tama nga si Melanie.
Niloloko ko lang yung sarili ko. Alam kong may nararamdaman pa rin ako para kay
Harvey pero pilit kong tinatanggi kasi alam kong mali at alam kong masasaktan
lang ako. Nagsisisi rin ako sa ginawa ko kay Mel, niloko ko siya, ginamit ko lang
siya para makalimutan yung iba. Napakasama kong tao, nasaktan ko yung taong
minamahal ako ng totoo dahil lang nasasaktan din ako ng taong mahal ko.
Gabi na nang nagpasya
akong bumalik sa dorm. Pulang pula mga mata ko kakaiyak. Sana lang ay tulog na si
Harvey para hindi na niya ako mapansin pero hindi eh. Pag bukas ko ng pinto ng
dorm namin, nandoon siya sa may study table nakaupo, tumingin siya sakin. Ako
naman ay yumuko lang para hindi niya makita yung mga mapupula kong mata.
"Anong nangyari
sayo?" tanong niya sakin, pero ang sweet ng boses niya
"wala" sagot ko
na nakayukong naglalakad papalapit sa CR
Tumayo siya, lumapit
sakin "sinabi na sakin ni Melanie"
"eh bakit mo pa
tinatanong" pagalit kong sagot na naiiyak na pero bigla akong niyakap ni
Harvey. Nagulat ako. Niyakap ko rin siya at dito na muling bumuhos ang mga luha
ko. Iyak ako ng iyak sa dibdib niya, namiss ko 'tong yakap na to, yung
malasakit niya sakin pati yung feeling na may bestfriend ka nandiyan lang lagi
para sayo. Patuloy ang pagiyak ko nang bigla siyang magsalita "Okay lang
yan bro, marami pa diyan" Kung alam mo lang harvz, hindi ako umiiyak dahil
sa break up namin ni Mel, umiiyak ako dahil miss na miss na kita.
Bumitaw ako sa yakap,
tinulak siya ng mahina papalayo at pumasok sa banyo. Naghilamos ako at
nagtoothbrush, nagpalit ng pantulog at nung lumabas ako sa CR, dumeretso ako
agad sa kama ko, nagkumot at pinilit ng makatulog. Alam kong nakatingin
sa kin si Harvz at gusto pang makipagusap pero minabuti ko na iwasan muna siya,
para rin yun sa aming dalawa.
Hindi nawala ang
nararamdaman ko para kay Harvey pero nagawa ko itong isantabi. Nagfocus ako sa
academics and projects. Pagka may exam, sa library ako nagaaral para walang
distractions, minsan nga sa mga fast food chains pa. Normally 1 or 2am na ako
nakakatulog dahil sa mga projects, research at iba pang requirements. Halos
lahat ng oras talaga ngayon para na lang sa pagaaral, hindi naman ako nabigo
dahil madalas ako ang naghihighest sa mga exams, projects ko lagi ang pinaka
maayos, basta naging grade consious ako. Habang ako nagsusunog ng kilay,
napansin ko na may nagiba sa samahan ni Harvey at Tin. Parang away - bati sila.
Pero hindi ko nalang pinansin since wala naman ako sa posisyon makielam.
Last day of the semester,
one last final exam. At ang maganda pa rito, umaga yung exam namin kaya 11am pa
lang, sem break na ulit! Maaga naming natapos ang exam since minor lang siya,
kaya gumala ako with the barkada (barkada ni Mel, sila na rin kasi lagi kong
kasama since 1st year 2nd sem) okay namin kami ni Mel, meron siyang iisang
salita, magkaibigan pa rin kami at itinago niya yung sikreto ko. Medyo awkward
lang pag kaming dalawa lang ang magkasama. Masaya yung araw na yun, nagkaraoke
kami, sine, food trip lahat na! kaso lang eh naubos din ang pera at
gumagabi na rin kaya nagsiuwian na rin kami pero napagusapan na sabay sabay
kukuha ng grades at sabay sabay din mageenroll.
Pagkadating ko sa dorm
walang tao. 'kasama siguro ni Harvey si Tin ngayon' naisip ko. Masakit pero
tanggap ko na, wala naman akong magagawa diba? Nagayos nalang ako ng gamit at
bukas na uuwi, dito nalang ako sa dorm magpapalipas ng gabi since madilim na sa
labas at rush hour na.
Mga 9:30pm na wala pa rin
si Harvz. Andito pa mga gamit niya kaya sgurado akong hindi pa siya umuuwi sa
kanila. Nagbabasa ako ng libro noon nang biglang magring yung cellphone ko. Si
Melanie tumatawag. Nagtaka ako at sinagot it.
"Hello Rom?"
sabi ni Mel
"oh Mel, ba't ka
napatawag?"
"Nasa dorm ka pa ba?
Andiyan na ba si Harvey?"
"Oo nandito pa ako,
bukas pa ako uuwi. wala pa si Harvz eh. bakit?"
"tumawag kasi sakin
si Tin. Nakipagbreak daw siya kay Harvey kanina after nung exam. Tapos nun
hindi na daw niya macontact si Harvey. Nagaaalala lang si Tin."
"Ah ganoon ba? sige
sige hahanapin ko si Harvey, may idea ako kung nasan siya"
"sige Rom, update mo
lang kami ah"
"sige sige"
"salamat" tapos
binaba na niya.
Pagkababa niya ng phone
agad akong lumabas at pumunta sa may mini bar sa kabilang kanto malapit sa dorm
namin. Hindi nga ako nagkakamali nakita ko agad doon si Harvey sa isang table,
magisang umiinom, lasing na lasing. Nilapitan ko siya "Harvz, tama na yan.
Halika na uwi na tayo" tumingin lang siya sakin sabay sabing: "yoko
nga. ang sarap sarap uminom eh" iba na ang tono niya dahil sa sobrang
kalasingan. kinuha ko yung bote ng alak, binigay sa tindera at binayaran yung
bill niya. "kanina pa po yang tanghali dito si sir, iyak ng iyak"
sabi ni manang "ganoon po ba? sige po salamat" sagot sa sakanya
Binalikan ko siya sa table niya, yung ulo nasa lamesa, parang natutulog.
"Harvz tara na uwi
ka na" ginising ko siya at kinuha yung isa niyang kamay, pinatong sa mga
balikat ko at niyakap siya patayo. Madali naman siyang sumunod. Malakas kasi sa
inuman si Harvey kaya hindi ako nahirapan alalayan siya habang naglalakad
pabalik ng dorm, nabigatan lang talaga ako. Madilim sa kalsada, street
lights at ilaw lang galing sa mga bahay ang source of light at wala na rin
masyadong tao pakalat kalat sa kalsada.
Ngayon ko lang nakita na
ganito kalasing si Harvz.
"break na kami
Tin" sabi niya at sa tono niya, alam kong naluluha siya.
"tapos ikaw, tuluyan
mo na akong kinalimutan, puro ka nalang pagaaral. Akala ko ba magbestfriends
tayo? bakit mo ako binaliwala?" dito na siya tuluyan umiyak, pati ako,
naiiyak na rin. Hindi lang ako sumagot at pinakinggan lang lahat ng sinasabi
niya.
"Ano ba ang nagawa
ko sayo at kinalimutan mo lahat ng pinagsamahan natin? naisip mo pa lumipat ng
dorm. Noong una, nawala bestfriend ko, ngayon wala na rin girlfriend ko. Wala
ng natitira sakin" Patuloy ang pagiyak niya. "Sorry Rom ah? kung ano
man yung nagawa ko sayo sana mabalik natin yung dati, sana maging bestfriends
ulit tayo" Naiyak na rin talaga ako, kung kaya ko lang sabihin kung paano
niya ako nasaktan eh sinabi ko na pero walang magandang maidudulot yun sa
sitwasyon namin ngayon kaya nanatili lang akong tahimik. Malapit na kami sa
dorm ng mapansin ko ang init niya pala. Sana dala lang ng alak pero hindi,
nilalagnat siya, sigurado ako.
Pagkadating namin sa dorm
ay agad ko siyang tinumba sa kama niya, tinanggal ko yung sapatos at medyas.
Tinext ko na rin sila Mel at Tin na andito na si Harvey, at ako na muna ang
bahala sakanya. Kinuha ko yung thermometer at inipit sa kilikili niya.
After 3 minutes, tinignan ko at nagulat, 39.6 degrees. Lasing na lasing ang
best friend ko, nakakaawa tignan. Tinanggal ko yung polo at pantalon niya.
Sando at boxers nalang ang natira sakanya. Pumunta ako ng CR at kumuha ng face
towel at hinugasan ito. kasama ng tabo na may tubig at sabon, dinala ko yung
towel kay Harvey para mapunasan yung katawan niya.
Tulog na yata siya, dala
ng sobrang pagod at kalasingan. Kinuha ko yung towel, binabad sa tabo na may
tubig, piniga at sinimulang punasan siya sa mukha. "Harvz, di ko alam kung
naririnig mo ako ngayon pero miss na miss na kita. Miss ko na yung bestfriend
ko, yung tawanan at kulitan natin, yung mga pangiinis mo, yung mata at ngiti na
binibigay mo sakin, lahat yun namiss ko ng sobra" nagsimula ng tumulo ang
mga luha ko. Patuloy ko naman pinupunasan ang mukha niya pababa sa leeg.
"Namimiss ko na rin turuan ka sa mga subjects natin pag nahihirapan ka,
pati yung team work natin sa mga group projects. Ikaw kasi eh, bakit ka pa
nagirlfriend? Alam kong mali, pero nagselos ako sa inyo ni Tin. Dati kasi, tayo
yung laging magkasama. Parati akong masaya basta kasama kita. Tapos bigla
naging kayo. Nainis ako nun. Akala ko ayaw ko maging kayo kasi natatakot ako na
mawala sakin yung best friend ko. Pero hindi yun eh. I'm sorry Harvz, alam ko
hindi dapat pero... pero nahulog na ako sayo eh. Mahal kita Harvey. Nasasaktan
ako tuwing nakikita ko kayo ni Tin na masayang magkasama, kaya ako lumayo at
niligawan si Mel." This time, yung braso niya naman ang pinupunsan ko
"Pero parang wala lang naman sayo eh, kaya ko ginusto na mas lalong lumayo
para makalimutan ka, pero ang hirap Harvz di ko alam kung bakit pero hindi ko
kayang kalimutan yung nararamdaman ko para sayo." Umiiyak na nga ako pero
patuloy ako sa pagpunas sa mga legs at paa niya. "Ang drama ko Harvz no?
sorry kung nasaktan rin kita, pero yun lang ang naisip ko na tamang paraan.
Pero nagkamali yata ako, kasi maslalo pa kitang namiss. Pero Harvz kung alam mo
lang, kaya kong suklian yung pagmamahal na binibigay mo para sa iba.."
pinunasan ko yung mga luha sa mukha ko, inilagay ko yung towel sa tabo at
tumayo pabalik ns sana ng CR para mabanlawan ko yung towel. Unang hakbang
papalayo, nagulat ako. Hinawakan ni Harvey yung wrist ko pinipigilan akong
umalis.
Nagsalita siya ng mahina
"wag. wag mo ako iwan"
Narinig niya ako, yan ang
nasa isip ko. Hindi ko alam kung matutuwa o kakabahan ako kasi narinig niya
lahat ng sinabi ko.
"dito ka lang Rom
please? wag mo ako iwan, nilalamig ako." Sab niya ng nanghihina
Sobrang saya ko nung
sinabi niya yun na may kasama pang luha! Binaba ko yung tabo sa sahig at
tinabihan ko si Harvey sa kama.
Medyo nanginginig siya
kaya niyakap ko. "Hindi kita iiwan Harvz. Hindi na ulit"
Hindi na siya sumagot at
pareho na kaming nakatulog.
Nagising ako kinabukasan
sa parehong posisyon, nakayakap pa rin ako sakanya. Tiningnan ko yung wrist
watch ko, almost 10am na pala. Kinapa ko kung yung noo ni Harvey,
pinakiramdaman ko kung mainit pa, hindi na kasing init kagaya kagabi, bumaba na
ang lagnat niya. Bumangon ako, kumuha ng gamot at isang baso ng tubig. Lumapit
ako sa kanya at dahan dahan ginising.
"Harvz, gising inom
ka muna ng gamot. Haaaaaarveeey, gising muna" Nagising nga si harvey pero
mahina pa rin siya, inalalayan ko siyang bumangon. "eto oh" nilagay
ko yung tablet sa kamay niya, inilagay niya sa kanyang bibig at pinainom ko ng
tubig.
"salamat Rom"
nginitian niya ako pero halatang nanghihina pa siya.
"oo na, magpahinga
ka muna para gumaling ka na" inalalayan ko siya ulit mahiga at inayosan ng
kumot.
Ang bagal ng oras, naligo
nalang ako at inayos ko yung mga gamit ni Harvey para paguuwi na kami, ready na
lahat.Nagtext din ako kay mama na bukas na ako makakauwi, may hinahabol lang na
requirement yung dinahilan ko. Pagkatapos nun ay pinakain ko siya. Sinubuan ko
siya ng noodles na may konting rice. Hindi pa kasi ako marunong maglugaw. Kada
oras ko chinecheck yung temperature ni Harvey. Pababa na ng pababa yung lagnat
niya. Natatawa lang ako kasi parang bigla akong naging nurse, eh ang layo naman
ng course namin sa pagnunurse.
Mga 4 in the afternoon,
tuluyan nang nawala ang lagnat ni Harvey. So kampante na akong pwede ko siyang
iwan sandali para makabili ako ng magiging hapunan namin sa malapit na fast
food chain. Tulog pa rin siya kaya hindi ko na inistorbo, naglagay nalang ako
ng sticky note sa pader na makikita niya agad "bibili lang ako ng food
natin :) -Rom"
Binili ko yung favorite
ni Harvey sa ganoong klaseng fast food with extra gravy pa, para kung sakaling
kaya na niya, hindi siya magugutom. Wala pang isang oras nakabalik din ako agad
sa dorm, pag pasok ko, gising na si Harvey, nakaupo siya sa kama niya
nakatingin sa labas ng bintana. (yung kama niya kasi katabi lang ng window)
"Gising ka na"
sabi ko habang nilalagay yung pagkain sa mesa. Hindi siya sumagot, nakatingin
pa rin siya sa malayo.
Nilapitan ko siya, tumabi
ako sa kanya at kinapa yung noo at leeg niya.
"magaling ka na.
bumili ako ng pagka-"
"Rom sorry, sorry sa
lahat ng nagawa ko" tumingin siya sakin.
"wala na yun Harvz,
tapos na yun" sagot ko naman sakanya
"salamat din, sa
pagaalaga sakin buong magdamag. Nasaan sana ako ngayon kung hindi ka dumating
kagabi"
Kitang kita sa kanyang
mga mata at tono ng pananalita ang lungkot na pinagdadaanan niya. Nakakaawa
naman bestfriend ko.
"Kaya ng bestfriend
diba? eto talaga, dumadrama nanaman! Halika na nga kain na tayo" Napangiti
ko nga naman si Harvey sa sinsabi ko.
Tinulungan ko siya tumayo
at maglakad papunta sa mesa at sabay naming kinain yung mga binili ko.
Pagkatapos namin kumain,
niligpit namin ang mga kalat, pumasok si Harvey sa CR habang ako naman ay
naghugas ng kamay sa may lababo. patapos pa lang ako ng biglang may yumakap
sakin galing sa likoran. Si Harvey talaga. kunwari nagulat ako pero deep inside
kinikilig ako!! haha.
"anong ginagawa
mo?" tanong ko sakanya habang pinatay yung faucet.
"Mahal din
kita" sagot niya
Nagulat ako. Napatalon
puso ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Mahal din ako ng bestfriend ko?
"Ha?" ang
tanging lumabas sa bibig ko.
"Mahal din kita.
Diba sabi mo kagabi, mahal mo ako?"
Humarap ako sakanya.
nagkatinginan kami. eye to eye.
"Jerome, mahal kita.
noong palang alam ko na na mahal kita. Hindi ko lang kayang sabihin kasi baka
mawala lahat ng pinagsamahan natin. Kaya natutunan kong magmahal ng iba, para
mawala yung nararamdaman ko para sayo. Pero hindi ganoon yung nangyari kasi
lumayo ka sakin. Jerome, patawarin mo ako. Nasaktan kita ng sobra sobra"
Nagsimula ng tumulo yung mga luha ni Harvey.
Pinunasan ko ito gamit
ang aking mga kamay.
"Mahal din kita
Harvz, matagal na"
Lumapit sakin Harvey at
maya maya pa ay naglapat ang aming mga labi. Hindi ako makapaniwala.
Hinahalikan ako ni Harvey. Gumanti din naman ako. Binuksan niya ang kanyang mga
labi at naintindihan ko ang gusto niyang mangyari. Nag French kiss kami. Mga 3
minutes din yata namin yun ginawa. After nun, nagkatinginan lang kami at
napangiti sa isa't isa. Magkatabi at magkayakap kami natulog noong gabing iyon
(wala pang nangyari samin nung time na yan. Samin nalang yun. Hehe).
Masaya ako at ang sarap sa pakiramdam na nagkaayos at nagmamahalan na kami ng
bestfriend ko.
Going strong pa rin kami
ni 'bestfriend' Harvz ngayon. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok pero hindi
ito naging hadlang sa aming relasyon. Nagmamahalan kami hanggang nagyon kahit
na pareho kaming lalaki. Hindi naman kami ganoon kahalata since ‘straight’ pa
rin ang kilos namin. Anyway, thank you so much sa pagbigay ng time and sana
nainspire/nagenjoy/nakatulong yung kwento namin sainyo! Maraming Salamat.
No comments:
Post a Comment